Panaginip ni Neneng

Sa muling pagmulat ng mga mata, tanong ang bumubulaga. Nakatitig sa kisame at tila sinasabing ‘kumilos ka at ang oras ay nasasayang’. Ngunit para saan ang oras? Para saan ang pag-kilos? Bakit may panghihinayang? Isang bagong umaga na namn ng paghihintay. Nauulinigan ko ang tinig ni Ina, ngunit hindi ni Ama. Walang malakas at mababang tinig ang sasalubong sa akin sa hapag-kainan.Walang malaking katawan na magbabasa ng drayo habang nagka-kape ang magtatanong ng aking mga gawain sa araw na iyon. WALA dahil si Ama ay WINALA. Ito ang isang bangungot na hindi ko kailanman nais pang maganap, ang kanyang MULING pagkawala.

Katulad ng isang pangkaraniwang araw, ika’y isang anak na nag-nanais na gumampan sa gawain bilang isang panganay. Ang makatulong sa bahay maging ang pagpapanatili sa kaligtasan niya. Ngunit nakakabahala lalo’t na tila si ama ay patuloy pa ring minamatyagana at ang posibilidad ng muling pagkawala ay maaring maulit. Hanggang kailan ba kami mangangaba para kanya?

Sa tagal ng panahon, inabot na sa halos labing anim na taon ang pagsusulong ng isang batas na nagnanais magbigay proteksyon sa laban sa sapilitang pagkawala. Ang batas na magtatanggal ng kaba sa aming pamilya. Kamakailan lamang ay ito ay naipasa na sa para pangalawang pagbasa sa Senado ngunit hindi sa Mababang Kapulungan. Gumagalaw? Mukhang kailangan ng igirang pagkalampag at walang katapusang diyalogo sa mga opisyal na ito.

Ang malacanang ay tahimik. Tahimik at tila ayaw magbigay ng pananaw sa agarang pagsasabatas laban sa sapilitang pagkawala. Ang pangulo ay TAHIMIK. Dahil daw pag-aaralan pa niya. Kakatuwa, dahil sa hinaba ng panahon ng kanyang pagiging mambabatas sa parehong Kongreso ay mayroon ng nakahain na batas para dito. Labing anim na taon na ito sa kongreso. Ngunit ngayon pa lang niya pag-aaralan. Hah! Isang kalokohan. Hindi ba siya nababahala sa limang kaso ng pagwawala sa kanyang administrasyon? Hindi ba siya nagnanais makatulong sa mga pamilyang naiwan? Ang pagse-sertipika sa kagyat na pagsasabatas ng ANTI-ENFORCED OR INVOLUNTARY DISAPPEARANCE LAW, ang aksyon na nais makita ng pamilya. Ngunit nasaan ito? Tila bula na naglaho, tulad ng nais niyang tahaking daan.

Hanggang sa panaginip na lamang sana ang mukha ng mga pamilyang naghahanap sa mahal na ngawala. Sa panaginip na lamang sana ang ama dagling kinukuha sa buhay naming mga anak. Sa aming pamilya. Hindi sana madagdagan pa ang mga anak at iba pang pamilya na nakaranas na ng hinagpis, pangamba, at pagkapit sa natitirang pag-asa na maaring buhay pa ang mga mahal na nangawala.

‘Pangulong Aquino tandaan po natin, ang matuwid na daan ay bula kung ang tao ay patuloy na winawala.’

Isabatas ANTI-ENFORCED OR INVOLUNTARY DISAPPEARANCE LAW.

Tagged , , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: