Anak ng DESAPARECIDOS

ni Bernah Bernardo

 
Yan ang larawan ng pamilya na hindi ko na muling naramdaman
Ang apat na kamay sa aking munting katawan
Ay naging dalawa na, mula na lamang kay Nanay
Kaya naman may bahagi ng katawan ko na laging giniginaw
 
Sa kabila nito, patuloy akong lumaki
Natutong tumawa, gumapang at tumayo
Sa lahat ng ito, si Inay at mga kapatid lamang ang nakasama
Walang amang dadampot kapag ako’y nadadapa
Walang mababang boses na awit kapag ako’y matutulog
At walang mahinahong payo sa bawat pagkakamali ko.
 
Sa munting mga paraan,
natuto akong maglaro.
Minsan isang araw, nakakita ako ng bata
bukod sa kanyang nanay, may kahawak pa siya sa kabilang kamay
malaki ang katawan, mataas na parang higante
mukhang malakas at matapang.
“Tatay” ang narinig ko nang siya’y tawagin ng bata.
Ako’y tumingin kay Nanay at pagkatapos tumingin sa kabila kong kamay.
Bakit walang nakahawak sa akin na Tatay?
 
Lumipas ang mga araw at mga linggo,
mga buwan at taon
at patuloy akong lumaki.
Sa bawat araw ay natuto pa ng maraming bagay
Habang nadadagdagan ang kaalaman
nagsimula na akong magtanong kay Nanay,
kung ako ba ay may Tatay at kung meron, nasaan siya?
 
Nawawala daw si Itay.
Doon nagsimula ang pagiisip ko.
Hindi kaya ang mga taong ito ang kumuha sa aking Tatay?
Dinala nila sa isang lugar na mahihirapan akong matagpuan
Upang gamitin para sa kanilang kasamaan.
 
Ang aking sarili ay patuloy na nakilala
Dahil patuloy ko ding nakilala ang iba
Isinulong naming ang mga lakas
At sinikap na pagbutihin ang aming mga kahinaan
Kami’y namulat din sa mundong gumagalaw
at aming ginagalawan
 
Wala pala itong tigil sa pag-ikot
at wala ring humpay ang pagbabago
nakilala ang musika’t pagsulat
pagguhit at pagsayaw
iba’t ibang libro ang binuklat
ibat ibang sining ang tinuklas
kasama ang iba’t ibang mga bata.
Iba-iba man kami pero may pagkakatulad pa rin
At ito ay natutunan naming tanggapin
Nagsikap na mapabuti an gaming talent at pag-uugali
Sapagkat naniniwala kami na ang sarili at bawat isa ay kailangan igalang
Lalong kailangan pahalagahan ang ating karapatan.
 
Ibang uri na ng mundo ang aking nakikita
Mga larawang hindi naiintindihan ng murang mga mata
May mga Nanay na naghihinagpis sa pagkawala ng kabiyak
May tulad kong anak na nais maramdaman ang pagmamahal ng Tatay
 
Barung-barong na tahanan, nangangayayat ang katawan
Hindi makapagtapos sa pag-aaral
Dahil sa pagkawala ng haligi ng tahanan
Totoo pala ang mga biktima ng karahasan
Walang hustisyang makamit dahil tinalikuran at pinabayaan
Paano natin makakalimutan
 
Nasaan ang araw
Parang napakadilim at ayaw umalis ng lamig
Hinahanap ko ang mainit na haplos ng araw
Ang liwanag na babasag sa nakakatakot na kalungkutan at paghihirap
Anong kailangan upang makatulong
Upang payapang buhay naming ay maisulong
 
Nakita naming kung paano pa maghirap ang iba
Mula doo’y natuto at lalong pinagtibay ang diwa
Lalong pinalakas ang pag-iisip
Unti-unting natutong humanap ng paraan
Upang hindi na mawala sa nilalakbay na daan
Balang araw ay mararating naming ang gustong puntahan
At ang aming mga pangarap ay aabutin
Patuloy na tumitibay ang kalooban
 
At ang takot ay napapalitan ng katapangan
Ipasok man kami sa kuwebang malagim
Makakahanap pa din ng paru-paro
At kahit ng langit ay madilim
Sa pagtingala’y makakahanap pa rin ng bituin
 
Lubos akong nananampalataya sa Diyos
Sa Kanya’y nais kong hilingin
Makita ko man lang ang amang hindi kailanman nakapiling
Upang sabihin lang na ako ang kanyang bunso
At marinig na ang kayang tugon, “mahal kita, anak ko”
 
At habang patuloy naming inuungkat ang taglay na talino at galling
Walang takot naming susuungin ang hamon ng panahon sa amin
Aming gagalingan at pagbubutihin ang kakayahan
Para sa aming pamilya at higit sa lahat sa tatay naming nawala
Pero nais naming linawin
Hindi man naming kahawak-kamay ang tatay
Siya ay sa puso naming tangan-tangan
Mananatili ang mga alaalang kuwento ni ate at kuya
At ang pagmamahal na hindi kailanman nawala
 
Sa mga naghihintay na karanasan
Ito ay patuloy naming iipunin at tatandaan
Kakapulutan ng mga aral kasama ng mga leksyon sa paaralan
At mga payo ng nakakatanda’t mga magulang
Sa huli, kapit-kamay lahat tungo sa pag-unlad ng Malaya
Tungo sa pagsulong ng mga karapatan
May liwanag ang daan
May ila na laging nakatanglaw sa aming mga kabataang
Tinawag na anak ng mga desaparecidos
Tagged , , , ,

One thought on “Anak ng DESAPARECIDOS

  1. […] Anak ng DESAPARECIDOS by anakngdesaparecidos ni Bernah Bernardo […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: