Tag Archives: Children

Panaginip ni Neneng

Sa muling pagmulat ng mga mata, tanong ang bumubulaga. Nakatitig sa kisame at tila sinasabing ‘kumilos ka at ang oras ay nasasayang’. Ngunit para saan ang oras? Para saan ang pag-kilos? Bakit may panghihinayang? Isang bagong umaga na namn ng paghihintay. Nauulinigan ko ang tinig ni Ina, ngunit hindi ni Ama. Walang malakas at mababang tinig ang sasalubong sa akin sa hapag-kainan.Walang malaking katawan na magbabasa ng drayo habang nagka-kape ang magtatanong ng aking mga gawain sa araw na iyon. WALA dahil si Ama ay WINALA. Ito ang isang bangungot na hindi ko kailanman nais pang maganap, ang kanyang MULING pagkawala.

Katulad ng isang pangkaraniwang araw, ika’y isang anak na nag-nanais na gumampan sa gawain bilang isang panganay. Ang makatulong sa bahay maging ang pagpapanatili sa kaligtasan niya. Ngunit nakakabahala lalo’t na tila si ama ay patuloy pa ring minamatyagana at ang posibilidad ng muling pagkawala ay maaring maulit. Hanggang kailan ba kami mangangaba para kanya?

Sa tagal ng panahon, inabot na sa halos labing anim na taon ang pagsusulong ng isang batas na nagnanais magbigay proteksyon sa laban sa sapilitang pagkawala. Ang batas na magtatanggal ng kaba sa aming pamilya. Kamakailan lamang ay ito ay naipasa na sa para pangalawang pagbasa sa Senado ngunit hindi sa Mababang Kapulungan. Gumagalaw? Mukhang kailangan ng igirang pagkalampag at walang katapusang diyalogo sa mga opisyal na ito. Continue reading

Advertisements
Tagged , , , ,