Tag Archives: humanrights

Kailan at Saan

Hanggang kailan ang paghihintay.
Hustisya, nasaan ka?
Tulad ka din ba nila Ama
Na naglahong parang bula?
Tagged , , , , , , , ,

Anak ng DESAPARECIDOS

ni Bernah Bernardo

 
Yan ang larawan ng pamilya na hindi ko na muling naramdaman
Ang apat na kamay sa aking munting katawan
Ay naging dalawa na, mula na lamang kay Nanay
Kaya naman may bahagi ng katawan ko na laging giniginaw
 
Sa kabila nito, patuloy akong lumaki
Natutong tumawa, gumapang at tumayo
Sa lahat ng ito, si Inay at mga kapatid lamang ang nakasama
Walang amang dadampot kapag ako’y nadadapa
Walang mababang boses na awit kapag ako’y matutulog
At walang mahinahong payo sa bawat pagkakamali ko.
 
Sa munting mga paraan,
natuto akong maglaro.
Minsan isang araw, nakakita ako ng bata
bukod sa kanyang nanay, may kahawak pa siya sa kabilang kamay
malaki ang katawan, mataas na parang higante
mukhang malakas at matapang.
“Tatay” ang narinig ko nang siya’y tawagin ng bata.
Ako’y tumingin kay Nanay at pagkatapos tumingin sa kabila kong kamay.
Bakit walang nakahawak sa akin na Tatay? Continue reading
Tagged , , , ,

UNSILENCED

UNSILENCED by SAD_ph
UNSILENCED, a photo by SAD_ph on Flickr.

Listen to the CRIES of the CHILDREN OF ‘DESAPARECIDOS’.
visit http://www.anakngdesaparecidos.wordpress.com

Tagged , ,